Naalala mo pa ba yung pilot episode ng Meteor Garden? O kaya yung teaser na lang? My gosh. Effect pa lang ng mga nagliliparang dahon (sa teaser), alam ko na na mababago yung buhay ko.
Isa lang akong hamak na uhuging Grade 6 student noon.
Pero noong magsimula ang Meteor Garden, natuto na kong kiligin nang kiligin nang kiligin.
Sinong makakalimot sa scooter ni Shan Cai at ang super ever unkabogable entrance ng F4 with the white convertible with matching flying leaves pa?! Ohmayghaaad talaga, diba?
Aminin mo! Iba ang Meteor Garden. Ibang-iba. Eto yung unang beses na naramdaman mo yung ganoong klase ng kilig, ng antisipasyon sa bawat eksena. First Asianobela to conquer the Philippines. A major, major hit. Kung hindi mo napanood yan noon o kaya naman eh hindi ka pa ipinapangak, oh my, wala nang kwenta ang buhay mo! Chos lang! :D But seriously, this TV show became part of my childhood and it still evoke the same feelings I felt when I watched it before.
Parang laging gusto ko na hilahin ang oras simula pagpasok ko sa umaga. At kapag uwian naman, nagkakandarapa ako sa pagtakbo pag-uwi para maumpisahan lang 'yon.
Kung uso siguro ang twitter noong mga panahong 'yon, trending everyday ang F4. Bakit ba naman hindi?! Sa mga kapwa ko elementary students pa lang naman, hindi na magkamayaw sa pagkukwentuhan at pag-aagawan sa apat. Tapos sasali pa yung Nanay mo sa pakikipag-agawan? Epic.
Kung ngayon may Team Jao at Team Gino, syempre noon may Team Dao Ming Si at Team Hua Ze Lei!! Isa akong dakilang member ng Team Hua Ze Lei, kahit na sa bandang huli ay tinaggap ko na rin si Dao Ming Si para kay Shan Cai (napakarami ko talagang pinagdaanan promise bago ko matanggap). Sa bawat basurahang sinisipa ni Dao Ming Si na itinatayo naman ni Hua Ze Lei, susme!Parang tinutusok-tusok yung puso ko sa kakiligan kasi ang gwapo gwapo ni Lei talaga! Shocks!
Pati yung phrase na "You'll be Dead" na sumikat din. Gumagawa pa nga kami ng red card noon at ginagaya sila. At minsang ginaya ko rin yung pagsigaw ni Shan Cai sa rooftop dahil sa galit niya F4 na tinatawag niyang Piggy 4. Wala lang, feel ko lang. :)
Nag-effort talaga ako na i-note yung lyrics ng Qing Fei De Yi kapag intro. Syempre, wala pa namang internet noon. Tyagaan talaga ang pagpa-fan girl.
Pero later on, nagkaroon ng tagalog version ang well-loved intro song! Ang "Byahe" by Josh Santana. Nagmistula akong sirang radyo na di matigil kakakanta nito noon. Grabe. As in. At hanggang ngayon, kabisado ko pa rin siya by heart. (Nakakahiya man pero mas kabisa ko pa siya kesa hymn ng huli kong Alma Mater :P)
Nag-iipon din ako ng teks nun ng Meteor Garden. Kinumpleto ko talaga silang lahat. Si Shan Cai at buong F4: Dao Ming Si, Hua Ze Lei, Mei Zuo at Xi Men. Teks talaga. Tapos idinikit ko sa notebook ko at nilagyan ko pa ng characteristics, scented at glittered pen pa ang ginamit ko. In fairness, nakatabi pa rin yung notebook ko na yun hanggang ngayon. Tibay!
At hindi ko rin makakalimutan ang first day ko sa highschool. Syempre dahil birthday yun ni Vic Zhou, June 9!!
And who would not know about THE EVENT sa Ultra! Parang gusto ko nang magwala na hindi ako makakapunta dun. Alam mo yung ganoong feeling, ang sakit. Napakasakit. Malayong malapit. Nandito na sila, humihinga ng hanging hinihinga mo din pero hindi mo pa rin makitaaaaa! Argh.
Kaya sa lahat ng mga taong na-hook sa Meteor Garden katulad ko, group hug tayo! Gusto nyo bang gumawa ang ABS SCBn ng remake? Ako, oo! At ako dapat si Shan Cai! LOL.
---
This trip down to memory lane is all because of Barbie Xu being on twitter! It has been 10 years since its airing in the Philippines. Ganoon katagal, pero nakatanim pa rin sa puso't isip ko, mo, ninyo.I am so happy I got to spend time watching Meteor Garden. This show will always have a special place in my heart and will always be one of the bests. At kung sa Asianobela rin lang naman, wala pa ring nakakapantay sa impact Meteor Garden sa mga Pinoy hanggang ngayon.
P.S.
Hanggang ngayon, trip ko pa rin kantahin habang nakapikit itong "Ang Hanap Ko" (Tagalog Version ng Ni Yao De Ai). Feel ko lang siya, as in feel na feel I want to cry. Choks!
Haha.. bumalik na cla!hahaha
ReplyDelete